HUGE success ang katatapos na PBB 737 Big Night na ginanap sa Albay Astrodome sa Albay Old District, Legaspi City nitong nagdaang Sabado at Linggo.
Naging bahagi ang Albay provincial government headed by Gov. Joey Sarte Salceda, ably assisted by his chief of staff, Atty. Carol Sabio, PR man Ambet Nabus, sa maayos at tahimik na takbo ng live coverage ng 10th year ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.
Sa unang gabi ng pagtatanghal ipinakilala ng host na si Toni Gonzaga ang 4th big placers na sina Bailey May (teen) at Roger Lucero (regular/adult); at 3rd big placers na sina Franco Rodriguez (teen) at Dawn Chang (regular/adult).
Sa finale night itinanghal ang big winners ng PBB 737 na sina Miho Nishida (regular/adult) at Jimboy Martin (teen).
Naging first runners-up naman sina Tommy Sarte Esguerra at Ylona Garcia.
Sa post-PBB 737 Big Night party na ginanap sa Ysabelle’s Restaurant, ramdam pa rin ang labis-labis na kaligayahan ni Jimboy sa pagkakahirang sa kanya bilang big winner ng teen edition.
“Sobrang saya po, kasi umabot ako sa puntong ito. Nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki po. Malaking bagay po ito sa buhay ko,” banggit ng Barrio Rapper ng Nueva Vizcaya.
Inasahan ba niya na siya ang mananalo?
“Actually po, hindi ako nag-i-expect. Ang sabi ko sa sarili ko, ‘Expect the worse. Don’t expect too much, just take the positive vibes.’ No’ng i-announce, yumuko na lang ako, at sobrang saya ko.”
Anong pakiramdam ngayong siya na ang nanalo?
“Yumuko na lang po ako. Nag-flashback na lang lahat sa akin ang mga nangyari. Yung lahat ng experience ko, lahat ng napagdaanan ko sa Bahay ni Kuya -- lahat ‘yun ay nag-flashback talaga sa akin. ‘Tapos kung ano ang mga nangyari, hindi ko na po alam,” eksplinasyon ng binata.
May pahayag din si Miho, ang adult edition grand winner, tungkol sa kanyang pagkakapanalo.
“Ang saya ko po, masaya po ako para sa anak ko, at para po sa kanya ito. Para nga po akong nasa ulap sa sobrang excitement,” sabi ng 22-year old big winner.
May plano na ba siya sa mga napanalunan niyang house and lot, one million cash at iba pa?
“Wala pa po, hindi ko pa naiisip. Naku, Diyos ko, iipunin ko po, mag-iipon po ako ng pera. Basta, sobrang saya ko at do’n po kami titira ng anak ko,” masayang wika ni Miho. (LITO T. MAÑAGO)