November 6, 1935 nang bilhin ng Parker Brothers ang rights ng “Monopoly” board game mula sa creator nito na si Charles Darrow. Sinimulan ng Parker Brothers na magbenta ng “Monopoly” set gamit ang orihinal na Darrow game pieces.

Makalipas ang isang buwan, umabot na sa 20,000 kopya ang nagagawa ng Parker Brothers kada linggo.

Taong 1904 nang pagkalooban ng Quaker lady na si Lizzie J. Magie ng patent ang “The Landlord’s Game,“ na nauna sa Monopoly.

Noong Mayo 1934, tinanggihan ng Parker Brothers ang ibinibenta ni Darrow sa pamamagitan ng liham, inilarawan ang laro bilang “too complicated, too technical, and took too long to play.” Ngunit noong unang bahagi ng 1935, nabalitaan ng magkapatid na naging mabenta at pumatok ang laro noong huling Pasko.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Tinawag na “The Fast-Dealing Property Trading Game”, tampok sa board game na ito ang pagkontrol ng isang kumpanya sa merkado. Ang mga manlalaro ay bumibili, nagdi-develop, at nakikipagpalitan ng real estate properties—habang iniiwasan ang pagkalugi.