CABANATUAN CITY — Walong oras na mawawalan ng kuryente ang ilang consumer ng Nueva Ecija Electric Cooperative II, Area 2, at Nueva Ecija Electric Cooperative I ngayong Biyernes.

Inanunsyo ng pangasiwaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na simula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng Sta. Rosa, San Leonardo, Gen. Tinio, San Isidro, Jaen, Cabiao, Fort Magsaysay at Gapan City.

Ayon kay Central Luzon Corporate Communications & Public Affairs 0fficer Ernest Lorenz Vidal, ito ay bunsod ng clearing sa critical vegetation at connective maintenance works sa Cabanatuan-San Isidro 69 kv Line 1 at 2.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga