Hinatulan ng Sandiganbayan na mukulong ang isang mayor sa Bukidnon dahil sa kasong malversation.

Si Kibawe Mayor Luciano Ligan, kasama ang tatlo pang opisyal ng bayan, ay ipinakulong sa pagpapatayo ng isang tourism function hall gamit ang pondong nakalaan sana sa tourism activities at Kaamulan festival.

Sa desisyon ng anti-graft court, lumabag sina Ligan, municipal treasurer Ma. Asuncion Codilla, municipal budget officer Narcio Chaves, Jr. at municipal accountant Ellen Piquero sa kasong technical malversation (illegal use of public funds).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“It was not persuaded by the accused’s strained attempts to link the construction with tourism activities and explained that it fails to see the slightest connection between the promotion of tourism/participation in the Kaamulan Festival with the construction of the Tourism Function Hall,” saad sa desisyon ng hukuman.

Natuklasan ng korte na ang pondong inilaan ng sangguniang bayan sa nasabing proyekto ay ginamit ni Ligan sa ibang bagay, katulad ng pagpapatayo ng tourism function hall. (ROMMEL TABBAD)