Mag-ingat sa mga inilalabas na resulta ng lotto.

Ito ang babala ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II matapos makatanggap ang ahensiya ng mga reklamo hinggil sa mga bogus na resulta ng lotto na naglalabasan sa ilang pahayagan at website na hindi awtorisado ng PCSO.

Aniya, tiyakin muna na tunay ang nabasang lotto result sa pamamagitan ng PCSO website www.pcso.gov.ph o alin mang sangay nito.

Mapapanood din ang live lotto draw sa People’s Television (PTV) 4 ng gobyerno araw-araw, ayon pa sa opisyal. - Edd K. Usman
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!