Iprinisinta ng local software start-up company na Galileo Software Services, Inc. sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang mobile application na titiyak sa kaligtasan ng mga commuter habang nakasakay sa mga public utility vehicles (PUV).

Sa pamamagitan ng integrated mobile application device na Safe Ride, nababawasan ang mga panganib sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan, na regulated ng LTFRB.

Tinutunton nito ang lokasyon ng app user, gamit ang add-on features, upang kuhanan ng litrato ang taxi unit (sasakyan, plate number at driver) na awtomatikong ipinadadala sa database server ng Galileo.

Isang dagdag na feature sa app ang pre-installed “Red Button” na nagsisilbing emergency notification solution para makapagpadala ang user ng emergency message sa isang pre-set secondary o emergency number.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagpindot sa onscreen red button ng Safe Ride-compatible mobile telephone ng user, makapagta-transmit na ang huli ng “SOS” sa call center ng Galileo.

Pagkatapos nito, ang lahat ng datos (litrato, geo-location at iba pang impormasyon) na ipinadala ng user gamit ang app ay maire-record ng Galileo, na ipadadala naman sa contact centers ng LTFRB para maaksiyunan.

Kinukumpleto ngayon ng LTFRB at Galileo ang isang reporting system upang maging ganap ang pagresponde sa mga mensaheng emergency na ipinadadala sa pamamagitan ng Safe Ride. (Czarina Nicole O. Ong)