MAGKAKAROON ng napakasayang selebrasyon ng Holloween sa pinakasikat na amusement park sa bansa sa Sabado, ika-31 ng Oktubre.

Bubuksan na muli ang kilalang horror attraction na Gabi ng Lagim sa ikalawang palapag ng Star City. Mga bagung-bago at kakila-kilabot na panggulat tulad ng mga multo sa haunted house, mga manananggal, exorcism, madilim na sementaryo, at iba pang panakot na dinisenyo ng creative team gamit ang pinakabagong teknolohiya ang paandarin upang garantisadong mapasigaw sa takot ang mga dadaan sa loob.

Ang mga batang may edad 12 pababa na darating sa Star City nang naka-Holloween costume ay bibigyan naman ng 50% discount sa ride-all-you-can tickets.

Pagdating ng alas-otso ng gabi, walang patid na tugtugan naman ang yuyugyog sa mga bisita pagsampa sa entablado ng kilalang bandang 6Cyclemind.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter