Malulusaw na ang tinatawag na “smaze” o magkahalong smog at haze na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Paliwanag ni Chris Perez, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi na maipapadpad ng umiiral na hangin ang usok na nagmumula sa isang forest fire sa Indonesia.

Aniya, ang hanging tumatahak pa-silangan-hilagang silangan ang humaharang sa usok na nagmumula sa Indonesia patungo sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ng PAGASA na kaya nila ginamit ang terminong “smaze” at hindi smog (magkahalong smoke at fog) dahil mas makapal ang fog kaysa haze.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sinabi ng PAGASA na sa susunod na mga araw ay mawawala na ang nararanasang haze sa bansa dahil sa pagbabago ng direksyon ng hangin.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na kapag naipon ang usok sa Paficic Ocean bunsod ng ilang sunog sa kagubatan ng Indonesia ay maaaring maipadpad ito sa bansa.