ISULAN, Sultan Kudarat – Sa gitna ng matinding init ng panahon at natitigang na mga bukirin, nagsimula nang magpatupad ng dalawang oras na rotational brownout ang lokal na electric cooperative sa Sultan Kudarat, sa utos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dahil sa nararanasan El Niño sa bansa.

Sa kabila ng pag-alma ng mga apektado ng brownout, partikular ang mga negosyante, sinabi ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (Sukelco) na wala itong magagawa sa sitwasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Engineer Nestor Casador, ng Provincial Agricultural Office, na naghahanda na ang kanyang tanggapan, sa tulong ni Department of Agriculture (DA)-Region 12 Director Amalia Jayag Datukan, para maibsan ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa probinsiya. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito