Naglabas ang Sandiganbayan First Division ng arrest warrant laban sa kapatid ni Robin Padilla, si dating Camarines Norte Governor Casimiro “Roy” Padilla Jr., na kinasuhan sa pagkabigong ibalik ang baril na inisyu sa kanya ng pulisyan noong 1992.

Nagpalabas ang tribunal ng arrest warrant nitong Oktubre 12 laban sa dating gobernador matapos mapag-alaman na madalas siyang mapagkikita sa Camarines Norte, at inihayag pa ang pagkandidato niya para maging kinatawan ng ikalawang distrito ng probinsiya sa Kamara.

Napatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala si Padilla sa malversation of public property sa desisyon nito na may petsang Nobyembre 27, 2012, at hinatulang mabilanggo ng apat na taon at dalawang buwan, at pinagbawalan ding humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Matapos na ibasura ang kanyang motion for reconsideration, naghain ng petisyon si Padilla sa Korte Suprema na nabasura rin sa bisa ng resolusyon na may petsang Setyembre 2, 2013, kaya nangangahulugang final at executor na ang nasabing desisyon ng Sandiganbayan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3