psl foto (page 15) banner story copy

Mga laro ngayon

San Juan Arena

4:15 pm -- Foton vs Cignal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:15 pm -- RC Cola-Air

Force vs Petron

Ipagpapatuloy ng defending champion Petron Blaze Spikers ang pagsagupa ngayon sa nangangapang RC Cola-Air Force sa ikalawang round ng 2015 Philippine Superliga (PSL) women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Mauuna munang maglalaban ang bumabangon na Foton Tornadoes at pilit na babalikwas sa nalasap na pagkatalo ng Cignal HD Spikers ganap na 4:15 ng hapon bago ang sagupaan ng Petron at RC Cola dakong 6:15 ng gabi sa prestihiyosong torneo na suportado ng Asics at Milo, Senoh, Mueller at Mikasa bilang mga technical partner.

Sariwa pa ang Petron sa paghihiganti sa nalasap nitong unang kabiguan kontra Cignal matapos itakas ang klasikong limang set na panalo, 25-16, 14-25, 25-17, 22-25 at 15-13 sa huli nitong laro upang manatili sa labanan para sa titulo ng import-reinforce na torneo.

Bagaman isa sa pinakamalakas ang komposisyon, matatandaang agad nakalasap ng kabiguan ang Blaze Spikers sa unang round matapos mabigo kontra Cignal noong Oktubre 10 at Philips Gold noong Oktubre 17.

Minantsahan ng Petron ang dating tanging malinis na kartada ng Cignal sa tulong ni Brazilian reinforcement Rupia Inck na inilabas ang kanyang pinakamagandang laro sa huling yugto ng deciding set habang tumulong si playmaker Erica Adachi sa pagkontrol sa Blaze Spikers na matakasan ang emosyonal at puno ng aksiyon na laban.

Nagtala si Inck ng kabuuang 21 hits at apat na block para sa 21 puntos habang si Adachi ay nagrehistro ng 38 mula sa kabuuang 40 excellent sets ng koponan. Nag-ambag din si Dindin Manabat ng 18 puntos mula sa 16 kills at 3 blocks para sa Petron na nangako na hindi isusuko ang korona na hindi lumalaban.

“It was a morale boosting and a very important win for us,” sabi ni Petron coach George Pascua, matapos itala ang panalo sa matinding bakbakan na inabot ng isang oras at 57 minuto. “This victory will serve as our gauge entering the second round.”

Dahil sa panalo ay umangat ang Petron sa solong ikatlong puwesto sa 4-2 win-loss kartada habang nanatili sa tuktok ang Cignal na may 5-1 rekord kasunod ang Philips Gold na may 4-1 kartada.

Gayunman, inaasahang magpupunyagi ang patuloy na lumulubog na RC Cola-Air Force na matapos itala ang unang limang set nitong panalo kontra Meralco ay apat na sunod itong nakalasap ng kabiguan matapos mangapa sa laro bunga ng pagkakakumpleto lamang nito sa siyam na buwan na basic military training.

Ta nging inaasahan lamang ng Raiders ang mga imports na sina Lynda Morales at Sara McCllinton.

Inaasahan din na magpapainit sa mga labanan ang kumpletong implementasyon ng video challenge system -- na state-of-the art volleyball technology na pinapayagan ang mga kalahok na koponan na ireklamo at panoorin ang iniisip nitong kuwestiyonableng tawag sa tulong ng 16 high-definition camera na makikita sa giant projector.

Ang aparato, na mula sa Italy na Data Volley, ay dinala na sa bansa at isinalang sa dry-run noong Martes. Isinagawa din ang technical meeting at briefing sa mga coach at mga team managers noong Martes para giyahan sa pagpapatupad ngayon ng makabagong teknolohiya.

“We’re all excited to use this latest volleyball technology,” sabi ni Philippine Super Liga president Ramon “Tats” Suzara, na nagsilbi bilang control committee chief ng ilang world tournament kung saan ginagamit ang video challenge system. “We will be the first club league in Asia to use this kind of cutting-edge technology. This is our contribution to uplift the state of volleyball in the country.”