Nagsasagawa ng masusing imbestigayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog sa Lopez Pink Castle Mansion, na ikinasugat ng dalawang katao, sa Luna, La Paz, Iloilo City, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng BFP-Region 6, nangyari ang insidente habang idinadaos ang sponsored dinner ng pamilya Lopez sa loob ng mansyon.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog, na ikinasugat ng isang bombero at isang bisita ng pamilya Lopez, na hindi kinilala.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog, samantala tumanggi namang magbigay ng pahayag ang may ari ng mansiyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(FER TABOY)