Oktubre 27, 1904 nang buksan sa publiko ang “Interborough Rapid Transit” (IRT) subway line sa New York City.

Pinangunahan ni noon ay New York City Mayor George McClellan ang inagurasyon. Nasa 150,000 katao ang nagbayad ng nickel bawat isa para makasakay sa subway, na ang orihinal na ruta ay mula sa City Hall, hanggang sa 145th Street at Broadway.

Noong 1913, nagdagdag ng kani-kanilang subway lines ang IRT at Brooklyn Rapid Transit, at noong 1932 ay itinatag ang Independent Subway System sa siyudad.

Sa kasalukuyan, ang New York City subway system ay mayroong 22 magkakaugnay na ruta at tatlong shuttle sa 468 istasyon at 26 na linya, para sa biyaheng mahigit 200 milya. Kabilang ang system sa iilang rapid transportation system sa mundo na nag-o-operate ng 24 na oras kada araw. Ang 8th Avenue “A” Express train, na pinakamahabang linya ng system, ay bumibiyahe ng mahigit 32 milya, mula sa Manhattan hanggang sa Queens.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'