MAGALLANES, Cavite – Isang 55-anyos na magsasaka ang nagpatiwakal nitong Linggo ng hapon nang magbaril sa sarili gamit ang isang .22 caliber improvised pistol sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Lumatak, Barangay San Agustin, sa bayang ito, iniulat kahapon ng pulisya.

Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of the Way Medical and Pediatric Clinic si Joselito Manigote Cruspe, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Ang insidente ay iniulat ng isang Inocencio M. Capillo, 60, pastor, ng Barangay Urdaneta, Magallanes.

Sinabi ni PO2 Archie A. Arceo, na posibleng ang pakikipag-alitan ni Cruspe sa ilang kaanak ang nagbunsod upang magpakamatay ito. (Anthony Giron)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol