kris bernal1 copy

NABA-BASH sa social media si Kris Bernal dahil sa kanya ibinigay ng GMA-7 ang primetime teleserye na Little Nanay. 

Grabe ang isang basher ng aktres at sa Instagram (IG) pa talaga nito sinabi na, “Bakit sa ‘yo napunta ang project? I really don’t like you, Ms. Kris B. Lipat ka na lang sa TV5.”

Mabuti na lang at marami ang nagtanggol kay Kris, as in kinuyog nila ang basher. Tama naman ang sinabi ng isang supporter ni Kris na kung ayaw nito kay Kris, huwag itong manood.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Tama rin ang sinabi ng nagtanggol sa aktres na alangan namang si Kris pa ang mag-adjust sa basher niya.

Ang sagot ni Kris sa walang modong basher, “Been getting a lot of negative feedback about this. Pero iniisip ko na lang, si Lord naman ang nagbigay nito sa akin.”

Baka fan ng ibang Kapuso star ang basher ni Kris at naiinggit dahil ang aktres ang magbibida sa isa teleserye at magkakaroon ng privilege na makatrabaho sina Nora Aunor at Eddie Garcia.

Idagdag pa sina Sunshine Dizon, Gladys Reyes at Bembol Rocco. Ilang artista lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho nang sabay-sabay ang mga nabanggit.

Kaiinggitan din ang role ni Kris na babaeng may Intelectual Disability o ID, 26 years old, pero ang mental ability ay sa pitong taong gulang na bata at magkakaanak pa. Gaganap na anak ni Kris ang child star na si Chlaui Maglayao.

Sobrang challenging ang ginagampanan niyang role at kaiinggitan nga.

Nabanggit ni Kris na November 16 ang pilot ng Little Nanay (Little Mommy ang original title).

Si Ricky Davao ang director ng controversial teleserye na ‘pag umere at naging maganda ang feedback ay tiyak na lalong kaiinggitan si Kris. (NITZ MIRALLES)