NASA Amerika ngayon sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Lumipad ang mag-asawa three days ago. Sey ni Gladys nang makausap namin through Facebook, naroroon sila para mag-taping ng ilang episode ng kanyang Moments show na ilang taon na niyang pinoprodyus sa Net 25, pero sinasamantala raw nilang mag-asawa na makapamasyal.

Tuwang tuwa si Gladys na simula nang hawakan niya ang talk show niyang ito ay lalong gumanda ang ratings, kaya rin naman nakakarating na siya sa malalayong lugar kagaya ng America.

Ayon pa kay Gladys, na MTRCB board member pa rin hanggang ngayon, pipilitin nilang mag-asawa na dumalo sa US premiere Felix Manalo na may mahalagang papel siyang ginagampanan.

Habang nag-e-enjoy sa America, tuluy-tuloy daw ang komunikasyon nina Gladys at Christopher sa pamilya nila.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Tinitiyak nilang nasa mabuting kalagayan ang mga anak nila lalung-lalo na nang mabalitaan nila ang bagyong Lando.

So, para na rin silang nasa “honeymoon” ni Christopher. Hindi kaya muli silang makabuo ng isa pang supling?

“Well, why not? Kung ‘yun ba ang kagustuhan ng Itaas, eh, okey lang,” natatawang pahayag ni Chic-chic.

Samantala, natatawang ikinuwento ni Gladys na kahit nasa business class sila ng mga kasama niya sa sinakyang eroplano ay dala-dala raw niya ang kanyang “magic kulambo” na laging nasa paanan niya tuwing natutulog.

Simula sa pagiging child actress ay hindi kinakaligtaang ibilin ng kanyang Mommy Zeny parating isama sa kanyang mga dadalhing gamit papunta sa taping at shooting ang naturang “magic kulambo”.

“Alam mo naman, Kuya Jimi na eversince, eh, laging may kulambo ang aking mga paa. Kumbaga, hindi talaga ako makakatulog kung wala ‘yun,” sey pa ng isa sa mga bida ng seryeng Little Nanay ng GMA. (JIMI ESCALA)