MOGADISHU, Somalia (AP) — Nagkalat ang mga kubyertos na nababahiran ng dugo, makikita ang pader na nagkabutasbutas sa tama ng bala at nangakatumba ang mga silya sa reception area ng isang prominenteng hotel sa kabisera ng Somali kasunod ng pag-atake ng mga Islamic extremist na pumatay sa 24 na katao, kabilang ang anim sa mga umatake.

Pinaligiran ng Somali special forces ang tatlong duguang terorista matapos ideklara noong Sabado ng mga opisyal na kontrolado na nila ang Maka Al-Mukarramah Hotel, mahigit 12 oras matapos na salakayin ng mga armadong miyembro ng rebeldeng grupo ng al-Shabab ang hotel.

“The operation has ended. We have taken full control of the hotel,” sinabi ni senior police officer Capt. Mohamed Hussein.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras