Robi Domingo

KINILALA ang Star Magic resident host na si Robi Domingo bilang unang ambassador of goodwill ng Hokkaido noong March 20 sa Hokkaido Japan. Mismong ang vice governor ng Hokkaido na si Yoshihiro Yamaya ang nagbigay ng recognition kay Robi bilang “Smile Ambassador”.

Matatandang gumawa si Robi ng dalawang documentary na Lakwatsero sa Hokkaido na ipinalabas sa ABS-CBN. Ang Lakwatsero sa Hokkaido ay co- produced by ABS-CBN Integrated News at Japan’s Sapporo-Hokkaido Contents Strategy Organization (SHOCS).

“I feel honored and thankful for the recognition. Part of my duties as an ambassador is to promote Hokkaido’s tourism and culture in any way possible here in the Philippines,” sabi ni Robi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa nasabing trip, itinuturing ni Robi na masuwerte siya na nakilala niya ang mga sikat na personalidad sa Hokkaido kabilang sina Takehiko Orimo, ang team leader ng Levanga basketball team, at ang Town Deputy Mayor of Kembuchi na si Kouki Shimizu. Nakasama rin niya ang ilan sa Japanese communities na sumusuporta sa Pinoy authors. Naimbitahan din si Robi bilang guest speaker sa okasyon na dinaluhan ng Japanese businessmen at investors.