Posibleng opisyal na simulan ang 2015 Palarong Pambansa sa Abril 4 sa isang makulay at natatanging seremonya.

Ito ang napag-alaman sa isa sa miyembro ng Palarong Pambansa Management Committee matapos ang isinagawang dalawang araw na Final Technical Conference noong Marso 26 at 27 sa Big 8 Corporate Hotel sa Tagum City.

Orihinal na gaganapin ang 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3 hanggang 9 bagamat nais ng host Davao del Norte ilarga ang opisyal na seremonya sa Abril 4 upang mas mabigyan ng engrande at hindi malimutang ekspiriyensa ang dadalong mga atleta at opisyales ng 17 rehiyon.

“The good Davao del Norte Governor wanted a memorable opening ceremony to be witness by all of the athletes, coaches and officials of the 17 regions,” sinabi ng ipinadalang miyembro ng Palaro Management Committee ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Alona Quinto.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Gayunman, hahataw agad ang unang mga laro sa iba’t ibang paglalabanang sports sa Mayo 3 (Linggo) bago sundan ng seremonya.

Mahigit sa 10,000 estudyanteng atleta mula sa elementary, sekondarya at opisyales ang nakatakdang lumahok sa pinaka-aabangang Palaro kung saan ay nakatayang paglabanan sa dalawang kategorya ang 23 sports.