Lumulutang ngayon ang tambalang Ping-Poe para sa 2016 presidential elections. Ang Ping ay si ex-Sen. Panfilo Lacson at ang Poe ay si Sen. Grace Poe, anak ni Da King (FPJ). Mga dating heneral ng AFP at ng defunct Philippine Constabulary-Integrated National Police (PC-INP) ang nananawagan sa mga mamamayan na suportahan ang tambalang ito.

Si Lacson bukod kay ex-Sen. Joker Arroyo, ang hindi gumamit ng taunang P200 milyong PDAF o pork barrel na ayon sa kanya ay “ugat ng katiwalian”. Si Poe naman kahit baguhan ay nagpamalas ng katatagan at pamumuno sa Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs kaugnay na Mamasapano operation. Samantala, iba ang nais ng Tigre ng Senado na maging kandidato sa panguluhan. Siya ay si MVP o Manuel V. Pangilinan. Ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago ang katulad ni MVP ang dapat maging lider na isang matapat na negosyante at matagumpay sa larangang ito. Ayon naman kay kaibigang columnist Dick Pascual, ang talagang kailangan ng bansa ay isang “Good Manager” na tulad ni MVP.

May payo si Mayor Erap kay PNoy: “Move on. Iwasan ang paninisi sa iyong mga subordinate kasi ikaw ang kanilang lider at Pangulo”. Ibig sabihin, dapat akuin at panagutan ni PNoy ang trahedya sa sumablay na Oplan Exodus dahil siya mismo ang nag-apruba rito kasama sina ex-PNP Chief Dir. General Alan Purisima at ex-SAF commander Director Getulio Napeñas.

May 60% ng mamamayan, karamihan ay babae, ang nais maging legal ang diborsiyo sa Pinas. Bakit kaya? Nagtext sa akin si Manny Mogato, reporter ng Thomson Reuters, at sinabing marahil ay sawa na ang mga Pinay sa pagiging babaero ng mga mister. Tugon ko: “Bakit mas marami ang babaero kaysa lalakero gayong pareho namang silang may libido?”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para sa akin, mahalaga ang pamilya kaya kontra ako sa diborsiyo. Hanggang ngayon matapos ang maraming tag-araw at tag-ulan, kapiling ko pa rin ang ex-GF ko sa hirap at ginhawa. Nananatiling matatag, matamis at sariwa ang aming pag-ibig at ugnayan “kahit maputi na ang buhok” namin. Tama ka Lolo Kiko (Pope Francis), sagrado ang pamilya at kelangang panatilihin ito.