MANAOAG, Pangasinan— Nagsisimula nang dumagsa ang mga deboto sa Manaoag Shrine sa Manaoag, Pangasinan para sa paggunita ng Semana Santa.

Tinataya ni Manaoag Police Chief Edison Revita na nasa 50 porsyento na ang itinaas ng bilang ng mga debotong dumaragsa sa Our Lady of Manaoag, lalo na ngayon isa na itong Minor Basilica. Inihalintulad niya ang dami ng mga taong dumarating sa tuwing Linggo kung kailan maraming bisita at deboto na dumarayo mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Revita, inaasahan nilang lolobo sa 50,000 ang dadagsa ngayong Holy Week, at naghahanda na rin ang pulisya sa seguridad. - Liezle Basa Iñigo

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente