Ang mga tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) ay masususpindi sa Biyernes Santo (Abril 3) ngunit bukas ito sa publiko sa mga araw ng Huwebes Santo (Abril 2) at Black Saturday (Abril 4). Gayundin, bukas ang POM at MICP sa Araw ng Kagitingan sa Abril 9.

Ang pagbubukas ng BoC-POM at MICP sa naturang mga araw ay naglalayong mabigyan ng daan ang mga Customs brokers at mga importer na makapaghain ng kanilang mga import entry; ma-assess at mabigyan ng value ang kanilang mga importasyon; at makakuha ng clearance para sa paglabas ng kanilang mga kargamento.

Magbubukas ito ng 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. - Mina Navarro
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20