ANONG nangyayari kay Divine Lee at parati siyang nakikitang lasing sa iba’t ibang bars sa Makati City kasama ang mga kaibigang beki?

Divine Lee

Matagal na naming alam na mahilig talaga sa bar-hopping si Divine at nakakasama pa nga niya ang boyfriend niyang si Victor Basa, pero sa pagkakataong ito ay wala raw ang aktor.

At tsikang nakuha namin ay hiwalay na raw sina Divine at Victor kaya lasing-lasingan ang drama ng TV host kasama ang beki friends.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa tatlong taong relasyon nina Divine at Victor ay plano nilang magpakasal at sa katunayan ay nagsasama na nga sila at kasal na lang talaga ang kulang.

Pero sa hindi malamang dahilan ay biglang naghiwalay ang dalawa na hindi yata kinaya ni Divine kaya napapadalas mag-iinom.

Hala, kailan lang ay nakita naming may booth sila sa ginanap na bazaar sa Centris, Quezon City, ah.

O baka naman hiwalay na that time kaya ibinenta na ang mga naiwang gamit ni Victor? —Reggee Bonoan