BALER, Aurora— Makararanas ng 11-oras na pagkawala ng kuryente ang limang bayan sa lalawigan ng Aurora sa Marso 31, Martes Santo.
Inanunsiyo ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communications & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal na apektado ng brownout mula 7 AM hanggang 6PM ang mga kustomer ng Aurora Electric Cooperative (AURELCO) sa mga bayan ng Baler, San Luis, Maria Aurora, Dipaculao at Dingalan.
Paliwanag ni Vidal, ito ay dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste at cross-arms sa Bongabon-Baler 69 KV Line. Agad na magbabalik sa normal ang serbisyo ng kuryente sa sandaling makumpleto ang mga gawain.