INDIAN WELLS, Calif. (AP)– Tinalo ni Novak Djokovic si Andy Murray, 6-2, 6-3, upang tumuntong sa final ng BNP Paribas Open kahapon, at iniabot kay Murray ang kanyang worst hard-court loss laban sa top-ranked player sa mundo mula pa noong 2007.

Si Djokovic ay maglalaro para sa kanyang ikaapat na career title sa disyerto sa final ngayon laban kay four-time champion Roger Federer, na tinalo naman ang sixth-seeded na si Milos Raonic, 7-5, 6-4, sa isa pang semifinal.

‘’It’s the ultimate final that right now I can have,’’ sabi ni Djokovic. ‘’Probably the player that is in the best form.’’

Ito ang magiging ika-38 career meeting sa pagitan nina Djokovic at second-ranked na si Federer, na napagwagian ang tatlo sa huling apat. Tinalo ng Serb si Federer sa isang third-set tiebreaker upang maangkin ang titulo noong nakaraang taon, at muli siyang binigo sa loob ng tatlong sets sa semifinals dito noong 2011.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

‘’I feel great going into the finals, and I hope I can keep up this kind of a level,’’ sambit ni Federer. ‘’I’m happy I can still hang with him. He’s in his absolute prime right now and I enjoy the challenge of him.’’

Sina Djokovic at Murray ay nagharap sa unang pagkakataon mula noong talunin niya si Murray sa loob ng apat na sets para sa Australian Open title noong Enero.

‘’I tried to go for a few more serves today and to try to get a few more free points, but serving 50 percent or just below is not good enough against the best players,’’ ani Murray. ‘