Si Willie Revillame kasama sina (mula kaliwa) GMA Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, Atty. Alfonso Reyno, Jr., GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., at Atty. King Reyno)

Ni NITZ MIRALLES

A1 INFORMATION ang tip ng source namin, na sinulat namin kahapon, dahil pumirma na nga si Willie Revillame – bilang chairman ng WBR Entertainment Productions, Inc. -- ng airtime agreement sa GMA Network para sa airing ng kanyang variety show  na Wowowin na mapapanood tuwing Linggo sa GMA-7 simula April 26.

Mainit na tinanggap si Willie ng Kapuso Network sa pangunguna ni GMA Network Chairman/CEO Atty. Felipe L. Gozon na nagsabing, “We are pleased to have Willie Revillame’s program in the network. Willie has a very large following. Through our partnership with WBR Entertainment, GMA Network will be a part of the long awaited return of Willie Revillame on television.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We are very grateful and glad to have our program Wowowin shown in GMA Network, the number one TV station in the country. We will see to it that we deserve the trust reposed on us by GMA Network,” sabi naman ni Willie.

Kilalang “overtime king” si Willie dahil mahilig mag-overtime ng kanyang show, naaapektuhan tuloy ang airing time ng kasunod niyang show. Nangyari ito sa ABS-CBN noon at naulit sa TV5.

Nabanggit ito ng ilang press people sa isang bossing ng GMA-7, pero ang sagot nito, ipaaalala nila kay Willie na ‘pag mag-overtime siya, puputulin ang kanyang show, kaya kailangan niyang sumunod sa oras. Kapag mapuputol ang show niya, hindi siya dapat magtampo dahil sinusunod lang ng network ang  airing time ng shows nila.

Noon pa nabalitaan na sina Mike Enriquez at Joey de Leon ang tumulong para makapasok si Willie sa GMA-7.   

Samantala, isa ang pangalan ni Jennylyn Mercado sa nabanggit ng spy namin na magiging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Ni-request daw ang aktres na maging co-host , hindi lang malinaw kung si Willie mismo o ang staff niya ang nag-request sa management ng network.

Kung matutuloy sa show ni Willie si Jennylyn, magiging dalawa ang show niya pagkatapos ng drama series niyang Second Chances. Isa rin siya sa three judges ng nagbabalik na Starstruck kasama sina Joey de Leon at Regine Velasquez.

May experience na sa hosting si Jennylyn dahil naging host siya sa reality show na Anak Ko ‘To at sa Showbiz Central and in fairness, kaya ng power niyang mag-host.

Pansamantala, nagpapakaaktres muna siya sa Second Chances na may mainit na talakayan sa social media kung kanino mas nababagay ang karakter ni Jennylyn na si Lyra -- kay Bernard (Raymart Santiago) o kay Jerome (Rafael Rosell).

Nakatutuwa ang argumento ng mga ayaw kay Raymart, mas matanda raw ito kay Jennylyn, almost 15 years, kaya mas bagay siya kay Rafael. Bawi ng mga maka-Raymart, mas delicious ito kesa kay Rafael at sa ganda ng katawan ni Raymart, hindi siya mukhang 41 years old.