BANGKOK (AFP)— Inatasan si dating Thailand premier Yingluck Shinawatra noong Huwebes na humarap sa paglilitis sa mga kaso ng pagpapabaya sa pumalpak na rice subsidy scheme, sa kasong posibleng maghatid sa kanya sa isang dekada sa kulungan.
Ang desisyon ang huli sa mga aksiyong legal laban kay Yingluck -- ang unang babaeng prime minister ng Thailand at kapatid ng dating puganteng ex-premier na si Thaksin Shinawatra – na posibleng magwawakas na sa political dominance ng kanilang pamilya.
Ang mga Shinawatra, o mga partidong kanilang kaalyado, ay nananalo sa bawat Thai election simula noong 2001.
“The panel (of judges) has decided that this case falls within our authority ... We accept this case,” sabi ni judge Veeraphol Tangsuwan sa Bangkok’s Supreme Court, idinagdag na ang unang pagdinig ay gaganapin sa Mayo 19.