Mariel Rodriguez

“THANK you, Regg sa concern mo, eight weeks pregnant ako, no heartbeat. Baby did not develop.”

Ito ang mensahe sa amin ni Mariel Rodriguez kahapon nang tanungin namin tungkol sa post niya sa Instagram noong Marso 13 at 14.

Nag-trending sa social media ang photo post ng asawa ni Robin Padilla, na namamaga ang mga mata habang nakayakap sa upuan ng sasakyan na ‘tila nanggaling ng hospital na ang caption ay, “not all days are happy... some days are sad. #byecutiepie.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang sumunod na araw ay nai-post naman ang litratong magkahawak-kamay silang mag-asawa at may caption na, “Having a sad day doesn’t mean its the end of the world. Sh*t really does happen but today I felt so much love from my family and concerned friends. I am grateful because I am not alone during this turbulent phase in my life, I have my sister, my stepdaughters, my friends and my husband. One day the sun will shine again. #byecutiepie.”

Dahil sa hashtag na ‘byecutiepie’ ni Mariel ay marami na ang nakahulang nakunan siya bagamat hindi naman niya sinagot ang mga nagkomento sa kanyang IG posts.

Sa tuwing tatanungin sina Mariel at Robin kung kailan nila planong magka-baby, ang sagot nila ay, ‘In God’s time’ o kaya ay sinasabi nilang gusto pa nilang i-enjoy ang kanilang pagsasama na silang dalawa pa lamang.

At dahil personal naming kilala si Mariel, alam namin na at the back of her mind ay gustung-gusto na niyang magkaanak sila ni Robin dahil mahilig siya sa bata.

Kaya nang malaman niyang buntis siya, ang pakiramdam niya ay nasa alapaap siya, pero pagkalipas ng ilang linggo ay parang binagsakan siya ng langit at lupa dahil nalaman nilang mag-asawa na walang heartbeat ang ipinagbubuntis niya.

Sabi namin, huwag siyang mag-alala dahil ibibigay din iyon ng Diyos at tiyak na may rason kung bakit hindi pa natuloy ngayon, at nagpasalamat naman si Mariel sa amin. (REGGEE BONOAN)