POPE FRANCIS ● May nakapag-ulat mula sa Vatican City na nagpaparamdam si Pope Francis na magbitiw sa tungkulin. Nakakabigla naman ang ganitong ulat lalo na ngayong nakagiliwan na siya ng milyun-milyong mananampalataya sa pagpapakita niya ng pagpapakumbaba, pagkamagiliw sa maralita, at pakikiisa sa madla – lalo na sa ating mga kababayan. Sa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, nagpahayag si Lolo Kiko maigsi lamang ang kanyang termino sa paglilingkod.

Magugunita na nagbitiw din sa tungkulin ang kanyang sinundan na si Pope Benedict XVI. Anang Lolo Kiko, itinadhana yata ng Diyos na maikli lamang ang kanyang panunungkulan na hindi lalampas ng limang taon o mas maaga pa. Palagay daw niya, “The Lord has placed me here for a short time.” Aniya pa, lumipas na ang dalawang taon ay may nalalabing tatlo pa o mas maigsing panahon at nagdudulot ito sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nais lamang daw niyang mamuhay nang normal, na hindi tinitingala sa lipunan, na kayang magsuruy-suroy sa publiko, ang sumakay ng pampublikong sasakyan nang hindi dinudumog ng mga mananampalataya. Hindi kaya natatakot lamang siya sa Islamic State fighters na nagbanta na lulusubin ng Rome? Anyway, mula naman iyon sa ibang balita. Nakalungkot lang ang pahayag na ito ng Papa.

***

LENTEN ESCAPADE ● Papalapit na ang Semana Santa at malamang marami sa atin ang nagbabalak na magbakasyon sa malalayong lugar upang matakasan ang magulong pamumuhay sa mga lungsod sa Metro Manila. Sa malalayong probinsiya o mamahaling tourist destination marahil nila idaraos ang kanilang pagninilay-nilay at pag-aayuno habang nakababad ang kanilang katawan sa malamig na dagat o swimming pool, o magmalutang-lutang sa mga premyadong ilog lulan ng bangka o salbabida. Marami sa atin ang tinatanaw ang Semana Santa bilang bakasyon grande – ang pangalawang paboritong okasyon sa ating bansa na kasunod ng Pasko – ang panahon ng pagsasama-sama ng pamilya. Hindi ko hinihimok na magpakasaya kayo sa inyong bakasyong grande kundi maglaan din ng panahon upang pagnilayan ang ginagawa natin sa buhay na may kaugnayan sa ating pananampalataya at sa ating kapwa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon