BEIJING (AP) - Niyanig ng lindol ang lungsod ng Fuyang sa silangang China at dalawang tao ang namatay habang nawasak naman ang libulibong tahanan.

Naramdaman ang pagyanig sa probinsiya ng Anhui noong Sabado ng hapon, at 13 katao ang nasugatan, ayon sa mga opisyal ng siyudad. Tinaya sa magnitude 4.7 ang lakas ng lindol, base sa U.S. Geological Survey.
National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso