CABANATUAN CITY - Dahil sa lumalalang diabetes, isang 76-anyos na retiradong pulis ang nagbaril sa sarili sa banyo ng kanilang bahay sa Purok L.O. Francisco sa Barangay Bangad, noong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Joselito Villarosa Jr., hepe ng Cabanatuan City’s Finest (PNP), kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nagpatiwakal na si retired SPO4 Constancio San Diego y Ronquillo, may asawa, na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib,

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Ted Elsinore C. Go, dakong 10:00 ng gabi nang makaulinig ng isang putok ng baril ang mga kasama sa bahay ni San Diego hanggang makita sa banyo ang huli na duguan at wala nang buhay.

Ayon sa pamilya, matagal na umanong iniinda ni San Diego ang taglay na diabetes at sumailalim na rin ito sa serye ng operasyon pero madalas umano itong pinahihirapan ng kirot.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20