Dalawang nakagigimbal na massacre na ang naganap sa Maguindanao - ang masaker na kagagawan ng mga Ampatuan noong 2009 at ang Mamasapano massacre--- noong Enero 25. Ano kaya mayroon ang Maguindanao at dito nagaganap ang mga kasuklam-suklam na maramihang pagpatay. Napatay ng mga tropa ng gobyerno ang ay pinsan daw ni Commander Ameril Umbra Kato, ang founder ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at tatlo pang Muslim rebel, kabilang ang isang dayuhan na mukhang Arabo, sa sagupaan ng mga sundalo at BIFF sa Shariff Saidona, Maguindanao noong nakaraang Sabado.

Ayon sa militar, napatay ng Marines ang pinsan ni Kato sa Bgy. Pusao. Siya ay nakasuot pa ng uniporme ng SAF kaya ayon kay Lt. Col. Harol Cabunoc ng AFP Public Information Office, posibleng ang BIFF ang nakapatay sa SAF man.

May mga senador na humihiling na isailalim sa house arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa ngalan ng humanitarian reason dahil siya ay 91 anyos at may sakit. Sabi ng kaibigan ko, eh bakit si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na mahigit nang tatlong taon na nakakulong sa VMMC ay ayaw pagbigyan ng house arrest gayong siya ay may seryoso ring sakit? Matindi ang galit ni PNoy kay GMA. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan ako kung bakit sagad-buto ang poot ng binatang Pangulo sa dating Pangulo na Cabalen pa naman niya. Nagtanong ako sa ilang kaibigang kolumnista at hindi rin nila maintindihan ang sobrang galit nito kay Ate Glo.

Naisip ko tuloy na baka ang dahilan ay tungkol sa isyu ng Hacienda Luisita na ipinamudmod sa mga magsasaka sa panahon ni GMA. O baka naman noong pumunta si Tita Cory sa Malacañang kasama sina Manila Archbishop Socrates Villegas at dalawa pang kasama para hilingin na bumaba na siya sa puwesto bunga ng eskandalong “Hello Garci”, pinagsalitaan ng hindi tama ni Aleng Maliit ang ina ni PNoy. Naniniwala ako na ang kaso nina JPE at GMA ay nasa kamay at hurisdiksiyon ng hukuman at hindi saklaw ng Ehekutibo. Gayunman, kung gugustuhin o ipahihiwatig ni PNoy na isailalim na lang sa house arrest si GMA, tiyak na papayag ang Sandiganbayan. Sana ay hindi mangyari sa kanya ang sinapit ni GMA pagbaba niya sa puwesto sa 2016!
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 4.8