Matagal nang nakalipat na ng bahay ang kuya ko. Bago ang kanilang bahay na ipinatayo ng kanyang anak. Ang kanilang lumang bahay naman ang pinagsisikapan niyang ibenta. Bumilang na ng maraming taon na nakatengga ang bahay nang wala man lang bumisita. Siyempre, marumi na ang lumang bahay na nakatirik sa malaking lote sa isang kanto ng mataong kalye sa Dumaguete City. Inaanay na ang kahoy na hagdan, may stains at lumot na ang palikuran, ganoon din ang lababo. Marami na ring basag sa salaming bintana dahil napapagtripang batuhin ng mga bata.

Hanggang isang araw na may nais bumili ng kanyang ari-arian. Ipinasyal niya ang buyer sa buong bahay pati na sa bakuran nito. Anang aking kuya sa buyer, “Bago ko i-turnover sa iyo ang bahay, hayaan mo muna akong kumpunihin ko ang mga nasira at linisin ang buong bahay. Papalitan ko ang naagnas nang yero ng bubong”.

“Huwag ka nang mag-abala,” sabi ng buyer. “Actually, hindi ko kailangan ang bahay. Kailangan ko ang lugar. Magtatayo ako rito sa lugar ninyo ng isang convenienience store.”

Ang ating pagkukumahog na matamo ang kaligtasan ay masasayang lamang na tulad ng isang lumang bahay na kailangang palitan ang yerong bubong at basag na salamin ng bintana bago dumating ang demolition team. Ang pinakamaiinam nating pagsisikap, magagandang bagay na ating ginagawa ay hindi kailanman makasasapat sa hinihingi ng ating Banal na Diyos upang kitain natin ang ating kaligtasan. Mangangailangan tayo ng kumpletong pagbabago.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagdating sa kaligtasan, hindi kailangan ng Diyos ang ating walang kuwentang moral na pagsisikap. Kailangan Niya ang ating pagtitiwala sa Kanyang bugtong na Anak. Kapag nagsisi tayo sa ating mga kasalanan at sumampalataya kay Jesus, ang lahat ay ginagawang bago ng Diyos. Ayaw Niya ng lumang bahay na kukumpunihin lang. Interesado Siya sa atin at inihihingi Niya ng pahintulot na magtatag Siya ng bagong buhay sa atin, na Siya lamang ang maaaring makapagbigay.