BIGATIN ang celebration ng Araw ng Dabaw ngayong taon dahil darating ang ilan sa pinakamalalaking artista ng Kapuso Network upang makipagdiwang sa nasabing fiesta!

Sisimulan ang kasayahan ng unforgettable duo nina Kapuso drama king Dennis Trillo at ng in-demand leading man na si Tom Rodriguez sa Linggo, March 15. Magkasama sila ng mga Dabawenyo sa Gaisano Mall Atrium sa isang Kapuso Mall Show simula 4 PM.

Kinabukasan naman, March 16, Lunes, ay magpapakilig ang Kapuso primetime king and queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Activity Center ng Abreeza Mall pagsapit ng 3 PM. Kahit pa busy ang dalawa sa kani-kaniyang pagbibidahang primetime series na Pari Koy at The Rich Man’s Daughter ay hindi nila palalampasin ang pagkakataon para lumipad pa-Davao at pakiligin ang kanilang fans.

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ay makakapiling ng kanyang mga tagahanga sa kanyang Kapuso Fans’ Day, 5 PM sa The Annex ng SM City Davao. Hindi lang live na bibirit si Regine, marami ring exciting games at mga sorpresa ang naghihintay sa mga manonood.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang highlights ng Araw ng Dabaw ay mapapanood Let’s Fiesta TV Special na ipalalabas ngayong April 19 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CdeO.