Nakatakdang parangalan bukas, bago ang ikalawang laro sa pagitan ng defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU), ang top performers ng UAAP Season 77 volleyball tournament.

Nanguna sa listahan ng mga tatanggap ng individual awards sa gaganaping awards rites ang back-to-back MVP ng magkabilang divisions na sina Alyssa Valdez para sa women’s at Marck Espejo sa men’s ng Ateneo.

Maliban sa kanyang ikalawang sunod na MVP award, si Valdez din ang napili bilang Best Scorer at Best Server ng liga.

Kasama niyang parararangalan sa women’s division sina Jaja Santiago ng National University (NU) bilang Best Spiker at Ria Meneses ng University of Santo Tomas (UST) bilang Best Blocker.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tatanggap din ng award sina Cristine Agno ng Far Eastern University (FEU) bilang Best Digger, Jia Morado ng Ateneo bilang Best Setter at kakampi nitong si Denden Lazaro bilang Best Receiver.

Sa kalalakihan, kasamang parara-ngalan ni Espejo na siya ring Best Spiker sina Mark Gil Alfafara ng UST bilang Best Scorer, Peter Totres ng NU bilang Best Blocker at Rence Melgar ng Adamson bilang Best Digger at Receiver.

Gagawaran din ng parangal sina Vince Mangulabnan ng NU bilang Best Server at Ish Polivorosa ng Ateneo bilang Best Setter.

Samantala, tinanghal namang Rookie of the Year sa kalalakihan ang top hitter ng University of the East (UE) na si Edward Campusano habang sorpresa namang nanalo si UE libero Kathleen Arado sa women’s.