Kahapon ng umaga, nanood ako ng balita sa TV. Ini-interview ng isang isang anchorwoman ang isang babae na dumulog sa kanilang himpilan. Nawawala ang kapatid ng naturang babae mga ilang araw na. Itago na lamang natin ang pangalan ng nawawalang bata bilang Analiza. Ayon sa babae, may diperensiya sa pag-iisip si Analiza at palagi itong nakalalabas ng bahay at sa kung saan-saan nagpupunta.

Noong araw na nawala si Analiza, may lakad ang babae at ibinilin na lamang nito sa lola ang bata. Dalawa lamang sila sa bahay noong araw na iyon. Marahil, dala ng katandaan, nalingat si Lola at nakalabas ng bahay si Analiza. Ngayon, nawawala si Analiza at hindi na mahagilap, dahilan ng pagdulog ng babae sa estasyon ng TV. Nakalulungkot ang mga balitang ganito. Na dahil sa kapabayaan, nangyayari ang hindi dapat. Kung pinaglalaanan ng mga magulang ang batang may diperensiya ng higit pang atensiyon at pagmamahal, hindi mawawala ito o gumala nang walang kasama. May kilala akong pamilya na may anak na may diperensiya sa pag-iisip. Dahil hindi naman siyempre mapigilan ang bata na tumuklas ng kanyang kapaligiran, madalas din itong nakaaalpas at gumala sa komunidad. Nangyari rin na halos maloka ang ina sa kahahanap. At nang matagpuan, lalo nilang hinigpitan ang pagbabanta... At naulit ang paggala ng bata. Kaya nagpasya ang ina na magpagawa ng espesyal na bangle (pulseras na malaki) na gawa sa silver at de-susi. Ang naturang bangle ay at naaalis lamang sa pamamagitan ng susi na nasa ina ng bata. Nakaukit sa bangle ang pangalan ng bata, ang address, telephone number ang pangalan ng mga magulang. Sa gayong paraan nagkakaroon ng pag-asa na may mabubuting puso na makapagsasauli sa bata sa naturang address. Inuulit ko, kung mahal natin ang ating mga anak, maging anuman ang kalagayan ng kanilang kalusugan, subaybayan natin sila sa lahat ng sandali.

***

PANOORIN NA LANG NATIN ● Naiulat na nagtatayo ng imprastraktura sa West Philippine Sea ang China. Malinaw na nilalabag ng dambuhalang bansa ang Declaration of the Code of Conduct Dahil dito, lalong tumataas lamang ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Saad ng naturang Declaration na bawal magsagawa ng anumang aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo. Sa panghaharingito, ano na lang ang gagawin natin kung atin nga ang West Philippine Sea?

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras