PANIQUI, Tarlac - Isang masipag na magsasaka na pinaniniwalaang inatake sa puso ang natagpuang patay sa bukirin ng Barangay Patalan sa Paniqui, Tarlac, noong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay PO1 Ronald Calpito, wala nang buhay nang natagpuan si Silvino Pabor, nasa hustong gulang, tubong Candon, Ilocos Norte, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Dapdap sa Paniqui.

Bago natagpuan ang bangkay ni Pabor ay nagsaka muna ito sa kanyang bukid gamit ang hand tractor at pinaniniwalaang inatake sa puso.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20