Sinimulan natin kahapon ang pagtalakay sa mga habit na magpapatanda agad sa hitsura natin. Binaggit natin na nagdudulot ng masamang epekto ang pagpupuyat at maaaring tumaas ng blood pressure o magkaroon ng diabetes. Maaari ring tumaba at magmukhang laging pagod at mas matanda kaysa aktuwal nating edad.

Ipagpatuloy natin...

Mahilig ka sa sweets. – Mayroon akong amiga na sobra ang hilig sa sweets. Minsan, nahuli ko siyang sumubo ng isang kutsarang leche flan na pati ang sarsa nito ay hinihigop pa niya. Kung titingnan mo siya, hindi na makita ang kanyang leeg dahil lumalaylay na ang kanyang balat sa pisngi sa sobrang taba. At higit sa lahat, mukha siyang mas matanda kaysa tunay niyang edad na 45. Sa totoo lang, may kakayahan ang amiga kong ito na kontrolin ang sarili niya sa pagkain ng matatamis kung gugustuhin niya.

Lalong maninikip ang iyong pantalon kung patuloy ka sa pagkain ng matatamis; ngunit naniniwala ang mga expert na maaaring kumulubot at gumaspang din ang balat mo dahil dito. Ang dapat sisihin dito ay ang natural na proseso na tinatawag na ‘glycation’ kung saan kumakabit ang asukal ng iyong dugo sa proteins na nagbubuo ng mapaminsalang bagong molecules na tinatawag na ‘Advanced Glycation End products (AGEs, for short). Habang kumakain ka ng matatamis, lalong nade-develop mo ang AGEs. Sinisira nito ang nakapalibot ang mga protina tulad ng collagen at elastin na responsable sa pananatiloing matibay at elastic ang balat. Kapag nasira ito, natutuyo ang collagen at elastin at nagiging malutong, nauuwi sa pagkulubot at pagkalaylay. Ang mga epektong ito ng pagtanda ay nagsisimula sa edad na 35 at hindi na humihinto, ayon sa pag-aaral ng British Journal of Dermatology.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi madaling umiwas sa matatamis na pagkain o inumin, ngunit ang paglalaan ng limitasyon sa asukal ay nakatutulong. Kung 45 anyos ka na at may taas na 5’ 4”, iiwas ka na sa softdrink at chocolates. Suriing mabuti ang kinakain, lalo na yaong nasa handaan. Maraming pagkain ang nagtataglay ng maraming asukal na nakakubli sa mga alyas nito – corn syrup, honey, fruit juice concentrate at powder, maple syrup, at sarsa ng leche flan.

Sundan bukas ang iba pa.