Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pasasampa ng kasong graft laban kay Mayor Gemma Adana ng Naga, Zamboanga Sibugay kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng heavy equipment noong 2007.

Bukod kay Adana, pinakakasuhan din ng anti-graft court ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na sina Roland Roland Grijalvo, Felix Timsan, Emmanuel Enteria at Jonathan Cartagena.

Nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman na nilabag ni Adana at ng iba pang BAC member ang RA 9184 o Government Procurement Act sa pagbili ng isang pison at road grader mula sa CVCK Trading sa pagmamanipula sa technical specification ng dalawang heavy equipment.

“There was also no showing that the price of CVCK Trading was the most beneficial for the local government,” ayon sa Ombudsman. - Jun Ramirez

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho