Sharon Cuneta

KARUGTONG ito ng sinulat namin kahapon tungkol sa pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN pagkalipas ng tatlong taon.

Maayos na sinabi ng megastar nang may magtanong tungkol sa kinahinatnan ng kontrata niya sa TV5 na ayaw niya itong pag-usapan bilang respeto.

Hindi pa tapos ang kontrata niya sa Kapatid Network (2016 pa dapat matatapos, ayon sa ilang sources) pero umalis na siya pagkatapos ng comedy serye niyang Madam Chairman noong Pebrero 28, 2014.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tinanong namin ang TV5 executive noong kainitan ng isyung iniwan na sila ni Sharon ang TV5 kung ano ang mangyayari sa kontrata na napabalita noong 1 billion pesos ang halaga (para sa limang taong kontrata). Pero hindi kami sinagot at ngumiti lang sa amin ang executive, pero nang si Bossing DMB na ang nagtanong ay sinagot siya ng, “rescinding of contract” ang sinabi na ang kahulugan ay kanselado o wala nang bisa ang kontrata.

At sa pakiwari namin ay sinunod ni Sharon na isang taon muna ang palilipasin bago siya muling mapanood sa ibang TV network.

Kaya nitong Marso 9 lang siya pormal na pumirma ng per-project contract sa ABS-CBN kasama ang bagong manager niyang si Ms. Sandra Chavez, ABS-CBN President and Chief Executive Officer Charo Santos-Concio, Star Cinema Managing Director Malou Santos, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes, Entertainment Programs Head Laurenti Dyogi, newly appointed ABS-CBN Chief Operating Officer Carlo Katigbak, at Business Unit Head Louie Andrada.

“There’s no place like home,” ang agad na nasambit ni Sharon pagharap niya sa entertainment press na pinalakpakan ng mga dumalo sa presscon. “There are no words to describe how happy I am. I’m very, very happy but parang hindi enough ‘yung word na ‘yun. 

“I have no words for what I feel in my heart right now. This is overwhelmingly wonderful. Pagpasok pa lang, parang ‘hay, nakauwi na din’. Pag-uwi parang walang nagbago sa mga kapamilya mo.”

Inamin ni Sharon na hindi siya nawalan ng komunikasyon kay Ms. Charo at sa iba pang executives ng Dos maski na noong nasa TV5 pa siya.

“We never lost touch but not once we ever talked about it, nila Tita Charo, Tita Cory, Tita Malou (Santos). But not once that we ever talked about work kami nina Tita Charo, Tita Cory, Inang Olive (Lamasan). 

“I’ll just say Tita Charo was one of the first to know na (wala na sa TV5). Wala pang may alam na wala na ako sa nilipatan kong station, alam na ni Tita Charo. It was most touching to me na there was no question that I would come back. I remember telling them na, ‘I’m coming home?’ ang sagot agad nila, ‘Of course!

“It was very touching because I was very humbled by my experiences in the last three years. To be welcomed home with open arms and heart, parang walang nagbago. Parang andito lang ako last week. There’s really no place like home. I don’t belong anywhere else.

“Feeling ko parang magbabakasyon lang. Pumunta ako ng States pero gusto ko umarte, gusto ko mag-movies, gusto ko mag-drama. ‘Yung creative juices ko parang kinulong. You built a career over four decades and this is not the way to go out. I want a graceful exit for my Sharonians.”

Nagsisi ba si Sharon ng lumipat siya sa TV5?

“I can’t say I regret a hundred percent because I made friends in the other station, I was able to do comedy and I met fun loving co-stars. Pero I was a fish out of water. ‘Tapos parang pagpasok ko kanina dito, I’m breathing again normally parang nakauwi ka na, nakakahinga ka na ulit.”

Sa Your Face Sounds Familiar na mapapanood na sa Marso 14 unang mapapanood si Sharon sa kanyang pagbabalik bilang isa sa Jury kasama sina Jed Madela at Gary Valenciano.

May gagawin ba siyang soap drama?

“I see myself doing a teleserye. At this point, I am in the best hand I’ve ever been in. I am in the hands of people who care for me; love me, I’m very grateful for this opportunity. I’m happy to be back. I know what ever I will be doing will be well thought of,” kuwento ng aktres.

At mukhang maraming gustong gawin si Sharon.

“Everything else that comes in my way, I know, will be well thought of, will be as ready as anything before it’s presented to me. I’m excited to be doing so many other things. I wanna do acting, singing, whatever else I haven’t done on TV. Remember, I still haven’t done a drama series. That is my thing.”

Hindi na namimili ngayon si Shawie ng makakasama sa mga project niya.

“Lahat sila welcome. Gusto ko lang ipaalam na kung hindi po natuloy, sila ang umayaw!” birong saad ng aktres.

Type ba niyang makasama sa iisang project ang mag-ama niyang sina Gabby Concepcion at KC Concepcion?

“You know, at this point, I feel like I’m open to anything.

I’m open to work with anyone, with KC, former leading men, ex-husband. At this point, I’m very open to anything. But I think, for my first teleserye, I’m not so excited for a love team muna or something with my daughter

“Parang it will all come later, parang let’s try to come back muna,” pahayag ni Mega.

Okay rin ba sa kanya na makasama sa project si Piolo Pascual, ex-boyfriend ni KC?

“Noong ‘tinanong sa akin, siyempre I said happy ako, kasi I’ve been humbled. Everything is in the past. Hindi lang naman siya ang nasaktan, kami rin naman. I hope na when you write about it, ‘yung neutral. Ayaw kong may mag-accuse sa akin na nanggagamit ako kasi tinanong lang naman ako. I just like to say that I’m open to working with anyone.”

Samantala, naging palaisipan sa lahat kung bakit umalis na si Sharon sa poder ni Boss Vic del Rosario na naging manager niya sa loob ng mahabang panahon.

Hindi na nag-elaborate pa ang megastar tungkol dito, ang sabi lang niya ay marami silang gustong gawin ng bago niyang manager na si Sandra Chavez.

“I might produce my albums. So my children can own some of these also. Dahil forty years wala akong pag-aari sa kahit anong nagawa ko! It will be released hopefully by Star Records or another company,” pagtatapat ng aktres.

Inamin ng megastar na naging aktibo siya sa social media nang mga panahong wala siyang trabaho at inamin ding naging palapatol siya sa bashers na pinagsisihan din naman niya.

Pero ngayon, aktibo siya sa social media dahil, “Well, to keep in touched din to my supporters. I’d still be the same. Actually, what happened then is na-shock ako, eh. Ganito ba ang mga bata ngayon? ’Yung walang respeto. So pagdating sa Twitter, ko, ‘My God! Ang mga batang ito ang babastos! So para kang mommy na gusto mong paluin, eh, you can’t win so I chose na lang to focus on those who love me talaga and supporting me.

“The thing is huwag mo na lang basahin lahat! You can’t please everybody but I am better to express myself sa Facebook page. Kasi nakaka-type ka ng mahaba, nakakakita ka ng reaction. ‘Tapos ’pag may nakita kang masakit, ’yung merong nanggugulo, delete! Ha-ha-ha,  I’m not proud of that thing pero tao lang.”

Samantala, for the record ay pumayat na si Sharon at 40 lbs na raw ang nabawas sa kanya simula nang magpapayat siya.

“You cannot believe how big I became especially after ’yung wala nang taping, ’yung wala nang... I had no work, so ’yung kulang na lang hanapin ko si Kiko (Pangilinan) kasi baka nalunok ko na,” tumatawang kuwento ng aktres.

At sa kasalukuyan niyang sitwasyon ngayon ay kailangan pa rin niyang magbawas ng 15 lbs. para makamit ang pangarap niyang maging bold star.

“No, but kasi, di ba, so much happened, di ba? Parang just when you think it’s over, biglang meron na namang bagong... siguro that point, I was eating emotionally but also I had really – excuse the word – screwed up my metabolism coz of all the past dieting after having babies, so parang now, payat-payat mo, ‘tapos konting kain lang a few days, ’yung rebound mo, grabe.

“So, also I had to be more careful because I have a problem with my blood pressure now, and all that,” paliwanag ni Mega.

Bukod sa special diet ay may treadmill exercises siya.

“It’s a really difficult diet, you have to stick to certain foods and each kind of food has certain there’s a weight allowance per day so I have to follow,” sabi pa niya.