Habang ang mga bituin ng PBA ay nasa Palawan para sa All-Star game noong weekend, may ilan ding naglaan ng kanilang panahon para sa kawang-gawa.

Sa pakikipagtulungan ni Vice-Mayor Francis Zamora, isang gift-giving at basketball clinic ang isinagawa sa Brgy. Batis sa lungsod ng San Juan.

Sina Renren Ritualo, import na sina Mike Dunigan at Arizona Reid, Willie Miller ng Talk ‘N Text, Leo Avenido ng Kia Carnival at Ola Adeogun ng Hapee Fresh Fighters ng PBA D-League ay namahagi ng mga regalo at nakisalamuha sa mga kabataan at mahihirap na pamilya ng nasabing lugar.

Ang nasabing event ay nagsilbi rin bilang advance birthday celebration ng two-time PBA Best Import na si Reid na tuwang-tuwa na nakipaglaro sa mga bata, pumirma ng autograph, at nagpakuha ng litrato sa mga dumalo kamakalawa ng gabi.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

“This is something special,” sambit ni Reid na kasalukuyang reinforcement ng San Miguel Beermen (SMB) sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup. “I don’t get to do this often, and I’m happy to see everybody come out and be with us.”

Para naman kay Zamora, isang dating manlalaro ng De La Salle Green Archers sa UAAP at Welcoat Paints sa Philippine Basketball League, sinabi niyang hindi ito ang huling pagkakataon na makakasalamuha ng kanyang mga kababayan ang mga kilalang basketball player.

“I would like to thank [player agent] Sheryl Reyes and her team for coming here. They will serve as an inspiration and positive influence to the young people of San Juan,” sinabi ni Zamora. “Ngayon pa lang, nagpaplano na ulit kami ng mga susunod na outreach projects and I’m very happy to know that these players, as well as many others, are all willing to help out.”