Muling binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga biyaherong Pilipino na huwag magdadala ng anumang armas o bala sa kanilang bagahe kasunod ng pagkakaaresto sa isang Pinoy sa Singapore.
Ayon sa DFA, inaresto ng Singapore Airport Police ang Pinoy sa pagdadala ng bala ng baril na mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa Section 3 (1) Cap. 14 ng Arms Offences Act ng Singapore.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga biyaherong Pinoy na ang pagdadala ng baril at bala ay istriktong ipinagbabawal sa Pilipinas at sa ibang basa.