Binatikos kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Toby Tiangco ang gobyerno sa umano’y lantaran nitong pagpapakita ng “selective prosecution” laban sa mga personalidad sa pulitika na hindi kaalyado ng administrasyong Aquino.

Ito ang tweet ni Tiangco kay Senator Antonio Trillanes IV hinggil sa preliminary investigation ng Office of the Ombudsman na “tama” ang imbestigasyon ng Senado kay Vice President Jejomar Binay at inasahan ng senador na maglalabas ng mandamiyento de aresto sa lalong madaling panahon.

“Senator Trillanes is against shooting from the hip. He should really learn to read news stories carefully. In the first place, the preliminary investigation is not for plunder as he had claimed. And more importantly, based on the Ombudsman press release, they did not see any overpricing but alleged procedural lapses in procurement,” pahayag ni Tiangco.

“’Yan ang hirap ng mahilig magsabi na merong pasabog laban kay Vice President pero ang nangyayari hindi bomba kundi kwitis lang pala,” dugtong nito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Inihayag pa ng UNA official na ‘tila isang “express lane” ang pagtrato ng administrasyon sa mga alegasyon laban sa bise-presidente at sa anak nitong si Makati Mayor Junjun Binay na kabaligtaran sa mabagal na imbestigasyon sa mga mambabatas na kasapi sa Liberal Party na isinasangkot sa pork barrel fund scam.

“Malinaw at halatang selective political prosecution na itong ginagawang panggigipit dahil minadali ang fact-finding sa alegasyon laban kay Vice President Binay at Mayor Junjun Binay pero ‘yung reklamo sa mga taga-Liberal Party na sangkot sa pork barrel scam hindi umuusad,” paliwanag ni Tiangco.

Batay sa Ombudsman special panel, sinimulan na nila ang preliminary investigation laban kina Vice President Binay, Makati Mayor Junjun Binay at 22 iba pa kaugnay ng anomalya sa Makati City Hall building 2.