May 92 traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang itatalaga para magpatupad ng batas laban sa pagmamaneho nang lasing sa Metro Manila.

Para ihanda sila sa malaking trabaho, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na sasailalim ang piling traffic constable sa refresher training sa RA 10586, o ang Act Penalizing Persons Driving under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and other Similar Substances.

Simula sa Huwebes, Marso 12, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang paggamit ng mga alcohol breath analyzer test sa mga motoristang pinaghihinalaang nagmamaneho nang lasing.

“We are ready to help the Land Transportation Office. The training just is an upgrading of the traffic enforcers’ skills since they are already familiarized with the use of breath analyzers,” ani Tolentino.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pamamagitan ng breath analyzer kits ay matutukoy ang blood alcohol concentration (BAC) sa tao na hinihinalang nasa impluwensiya ng alak.

Alinsunod sa RA 10586, ang mga motorista na makasasakit sa iba habang lasing ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P80,000 at makukulong ng hanggang tatlong buwan.

Samantala, ang mga lasing na driver na makamamatay sa isang aksidente ay makukulong ng hanggang 20 taon at pagmumultahin ng P300,000 hanggang P500,000.

Ayon sa LTO, ang mga non-professional driver na matutukoy na may blood alcohol content (BAH) na lampas sa 0.05 porsiyento ay parurusahan, gayundin ang mga professional driver na may 0.01 porsiyentong BAH. - Anna Liza Villas-Alavaren