Muling nagbabala ang Commission on Audit (CoA) na nakabase sa Philippine Sports Commission (PSC) sa national sports associations (NSA’s) na ‘di pa ipinapaliwanag ang kanilang pinagkagastusan sa pondong kinuha sa gobyerno.

Kung ‘di pa rin gagawa ng aksiyon ang ilang NSA’s na wala pa ring report, posibleng ‘di na sila mapasama sa 28th Southeast Asian Games.

Ito ang ipinaalala ni Team Philippines Management Committee member at PSC Chairman Richie Garcia matapos magsumite ng kanilang listahan ang 33 national sports association (NSA’s) para sa mga atletang nais nilang isabak sa kada dalawang torneo sa Hunyo 5 hanggang 16.

“Huwag nilang sasabihin sa amin na hindi namin sila pinaalalahanan,” sinabi ni Garcia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ilang buwan na namin sinabi sa kanila ang inilabas na memorandum ng CoA kaya hindi nila puwedeng sabihin na hindi nila alam.”

Halos kalahati sa NSA’s na sasabak sa SEA Games sa Singapore ay kabilang sa mga hindi pa nakakapag-liquidate ng kanilang mga pinagkagastusang pondo habang karamihan sa mga asosasyon ay hindi pa rin makumpleto ang hinihinging dokumento ng CoA.

Matatandaan na naglabas ng memorandum ang CoA na kinakailangan ng NSA’s na magsumite ng Securities and Exchange Commission (SEC) registration, election results, list of officials at official certification mula sa POC bago payagang makahingi ng pondo.

Inaasahan na maaapektuhan ang paghahanda at pagsasanay ng pambansang atleta, partikular ang exposure at training camp sa labas ng bansa.