Tatlong gold panner ang napatay makaraan silang pagbabarilin ng 30 armadong lalaki sa Surigao del Sur, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SSPPO), nangyari ang krimen sa bayan ng Barobo, dakong 5:30 ng umaga.

Kinilala ng SSPPO ang mga biktimang sina Reginaldo Ocol Resurreccion, 49, may asawa, ng Barangay Dughan, Barobo; Chino Dahuya, 24; at Reynaldo Conde, 49, kapwa taga-Purok-4 ng nasabing barangay.

Blangko ang pulisya sa motibo sa pagpatay.
National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69