Juancho Trivino

MULING sasabak sa light family drama series ang Kapuso teen actor na si Juancho Trivino sa InstaDad, ang pinakabagong programa ng GMA 7.

Gaganap si Juancho bilang si Dwight, ang mabait at mapagmahal na boyfriend ni Mayumi (Ash Ortega) na una niyang nakatrabaho sa My Destiny. Masaya si Juancho na muli niyang makakatambal si Ash sa InstaDad. 

“Matagal na kaming magkakilala ni Ash. Komportable na kami sa isa’t isa. Nag-guest ako before sa My Destiny. I think magiging positive naman ang outcome ng tandem namin,” pahayag niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod kay Ash, excited rin si Juancho na makatrabaho si Gabby Eigenmann sa InstaDad dahil marami siyang matututuhan sa magaling na aktor.   

“Na-meet ko na siya before. He is very jolly. Light katrabaho. I guess kapag nandoon na kami sa set, hindi naman siya ‘yung tipong nakaka-intimidate. Matutulungan niya kami. He will guide us.”

Bukod sa InstaDad, napapanood din tuwing Biyernes si Juancho sa Bubble Gang. Enjoy siya sa kanyang trabaho sa GMA at pangarap niya na masubukan ang lahat genre.

“I don’t want to stereotype myself. I want to be versatile. Para sa akin, I want to bring something new to the table. Comedy, drama and eventually I want to try action.” 

Hindi naman niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral dahil balik-eskuwela siya ngayong taon.

Sa direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDad simula Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.