Isinagawa kahapon ang isang misa sa Shrine of Saint Therese sa Pasay City bilang pagpupugay at pagkilala sa 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commando na namatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

 Dinaluhan ang misa ng personnel na mula sa PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mga sibilyan kasabay ng paggunita sa ika-40 araw sa nangyaring Mamasapano carnage.

Nabatid na nakiisa sa misa si AFP Chief of Staff Gregorio Pio Catapang Jr.

 Ilang aktibidad ang inilinya para sa nasabing okasyon, kabilang ang prayer activity sa Ateneo de Manila University (ADMU) at Embahada ng Pilipinas sa Washington DC.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gumawa naman ng mural at bantayog bilang pagkilala sa 44 SAF ang Quezon city-based artists’ group.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng ilang ahensiya ng gobyerno sa nangyaring insidente sa Mamasapano at maging ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nalagasan din ng 18 mandirigma sa naturang madugong bakbakan.

Pinalawig pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at iba pang benepisyo para sa mga naulilang pamilya ng 44 SAF.

May kaltas na P30 sa suweldo ang mga miyembro ng AFP na boluntaryong magbibigay ng kontribusyon para sa dagdag na financial assistance sa mga pamilya ng namatay na SAF members.

Unang nagkaloob ang Makati government ng tig-P100,000 check sa mga pamilya ng 44 SAF at nag-alok pa ng libreng pag-aaral sa unibersidad na pinapatakbo ng lokal na pamahalaan at medical benefits sa Ospital ng Makati.

Bukod dito, inayudahan nito ang mga nasugatang SAF member at ang Forgotten 19 na kabilang sa operasyon sa Mamasapano.