Bauan, Batangas - Muntik nang mabiktima ng Budol-Budol gang at matangayan ng kalahating milyong piso ang isang senior citizen nang umano’y tangkaing mag-withdraw ng pera subalit naagapan ng mga empleyado ng banko sa Bauan, Batangas.

Nasa kostudiya ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Sally Morales, 42, taga-Quezon City, habang nakatakas ang 4 pa niyang mga kasama.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office( BPPO), nakilala umano ng mga suspek ang biktimang si Herminia Perez, 68, dating OFW at taga-Batangas City.

Nakumbinsi umano ng mga suspek ang matanda na magtungo sa MetroBank-Bauan branch para mag-withdraw ng nasabing halaga sakay ng puting Mitsubishi Montero Sport noong Marso 3.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagduda umano ang kahera ng banko kaya pinatawag sa security guard ang kasama ng matanda subalit kaagad na tumakbo ang suspek na si Morales.

Nakorner ng mga guwardiya ang suspek subalit nakatakas ang kanyang mga kasama ayon sa pulisya.