TORONTO (AP)– Umiskor si LeBron James ng 29 puntos at napantayan ang season-high niyang 14 assists habang nagbigay si Kevin Love ng 22 puntos at 10 rebounds patungo sa 120-112 panalo ng Cleveland Cavaliers sa Toronto Raptors kahapon.

Gumawa si Kyrie Irving ng 26 puntos, 15 kay J.R. Smith, at 14 naman ang iniambag ni James Jones para makuha ng Cavaliers ang ikalawang sunod na panalo at umangat sa 9-8 sa kanilang ikalawang laro.

Si Jonas Valanciunas ay nagtala ng 26 puntos at humakot ng 11 rebounds at 25 puntos naman ang nagmula kay DeMar DeRozan para sa Raptors na natalo sa ikaanim na pagkakataon sa pitong mga laro.

Nakuha ni Lou Williams ang 21 sa kanyang 26 puntos sa fourth quarter, ngunit hindi ito naging sapat para sa Raptors. Ang All-Star point guard ng Toronto na si Kyle Lowry ay pinagpahinga sa ikatlong sunod na pagkakataon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nagtapos si James na kulang ng apat na rebounds para sa isang triple-double sa pagselyo ng Cleveland sa kanilang season series laban sa Raptors sa pagkuha ng ikatlong panalo sa apat na pagtatagpo.

Nakakuha ng 12 puntos si DeRozan, na nakaiskor ng season-high na 35 puntos sa kanilang panalo kontra sa Philadelphia noong Lunes, sa unang yugto, ngunit sina Irving at Timofey Mozgov ay kapwa umiskor ng anim para sa Cleveland, na lumamang sa 28-25 matapos ang isang quarter.

Umiskor si Love ng 6 puntos sa 12-2 run ng Cleveland sa pagkuha ng Cavaliers ng 48-36 na kalamangan, may 3:25 natitira sa first half. Gumawa si Love ng 11 puntos sa ikalawang half at naipasok ang tatlo sa limang 3-pointers ng Cleveland upang iangat ang Cavaliers sa 57-43 sa halftime.

Lumamang ang Cleveland sa 70-51 sa 8:37 marka ng third period matapos ang back-to-back 3s nina Love at Irving, ngunit nakabalik ang Toronto upang dumikit sa 78-70 sa huling 1:54.

Nagtala sina Love at Irving ng tig-8 puntos sa third quarter upang mahigitan ang 10 ni DeRozan at tulungan ang Cavaliers na kunin ang 84-74 abante papasok sa final canto.

Resulta ng ibang laro:

Indiana 105, New York 82

Phoenix 105, Orlando 100

Boston 85, Utah 84

Charlotte 115, Brooklyn 91

New Orleans 88, Detroit 85

Memphis 102, Houston 100

Miami 100, LA Lakers 94

Denver 100, Minnesota 85

Oklahoma City 12,

Philadelphia 118 (OT)

San Antonio 112, Sacramento 85